Skip to the article content

Pilipino (Filipino)


The National Broadband Network

Ang nbn™ network ang kapana-panabik, bago at upgraded na network ng teleponong landline sa Australya. Kasalukuyan itong ipinamamahagi sa buong Australya, at dinisenyo upang magkaroon ang bawat isa ng access sa mabilis na internet, saan ka man nakatira.*

Ang nbn co limited (nbn) ay isang negosyong pampamahalaan na siyang pangkat sa likod ng pamamahagi ng nbn™ network. Kami ang responsable sa pagbibigay ng mga serbisyong wholesale para sa mga service provider ng telepono at internet na kausap mo sa araw-araw. Bilang wholesaler, hindi kami pwedeng magbenta nang direkta sa publiko. Nangangahulugan na kung nais mong ilipat ang iyong mga serbisyo sa nbn™ network, kailangan mong kontakin ang iyong piniling provider ng telepono at internet at pumili ng bagong plan na angkop sa iyong mga pangagailangan.







Salin o interpretasyon

Kung kailangan mo ng nakasalin na impormasyon, mangyaring tawagan ang pambansang pagsasalin at interpretasyon (TIS National) sa 131 450 at hilingin na mailipat ka sa nbn™ contact centre sa 1800 687 626.



Paano mag-switch sa nbn™ network

Maaari mong malaman kung kailan magiging available ang nbn sa iyong lugar sa pamamagitang ng
pag-tsek sa iyong tirahan o pag-kontak sa amin sa pamamagitan ng pambansang serbisyo ng mga tagasalin at interpreter.

Tatanggap ka rin ng liham sa mail na ipinapaalam sa iyo na maaari kang kumunekta sa nbn™ network oras na maging available ito sa iyong tirahan.

Kapag ang nbn™ network ay available na sa iyong tirahan o negosyo, kailangan mong kontakin ang iyong piniling provider ng telepono o internet. Ang iyong service provider ay tutulong sa iyo na:

  • Pumili ng plan na angkop sa iyong mga pangangailangan
  • Asikasuhing maikabit ang Sinuplay na Kagamitan (Supplied Equipment) ng nbn
  • Bigyan ka ng suporta oras na maging konektado ka na sa nbn™ network
Alarmang medikal, naka-monitor na alarma sa sunog o teleponong pang-emerhensiya sa elebeytor

Kung mayroon kang aparatong napakahalaga sa kaligtasan, gaya ng pang-medikal na alarma, alarma sa sunog o teleponong pang-emerhensiya sa elebeytor na kailangang gumana kung walang kuryente, iminumungkahi namin na magkaroon ng alternatibong uri ng komunikasyon gaya ng kargadong mobile na telepono bilang back-up. Napakahalaga rin na kausapin mo ngayon ang iyong provider ng aparato upang malaman kung gagana ang umiiral mong mga aparato sakaling mawalan ng kuryente – maaari mo ring tingnan ang aming gabay sa compatibility ng mga aparato.

Mga kontak sa emerhensiya

Kung sakaling kailangan mo ng serbisyo ng Ambulansya, Pulisya o Bumbero sa isang emerhensiya, laging tawagan ang 000. Tatawagan ng kawani ng suportang pang-emerhensiya ang TIS National at i-uugnay ka sa isang interpreter gamit ang 24 oras na prayoridad na linya.


* Ang iyong karanasan, kabilang ang mga bilis (speeds) na totoong natanggap sa nbn™ network, ay nakasalalay sa teknolohiyang ginamit sa paghahatid ng mga serbisyo sa iyong lugar at ilang mga salik na hindi namin kontrolado (gaya ng kalidad ng iyong kagamitan, software, signal reception, mga broadband plan at kung paano dinisenyo ng iyong service provider ang network nito).



Learn about your nbn connection status and more